Indigenous Peoples Month, masayang ipinagdiwang ng mga katutubo sa Bacnotan, La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masayang ipinagdiwang ng Bago-Kankanaey Tribe sa Barangay Arosip, Bacnotan, La Union ang Indigenous Peoples (IP) Month at ika-26 na anibersaryo ng paglagda ng Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997.

Nakipagsaya si Mayor Divine Fontanilla at sumali pa ito sa “kannawidan nga ay-ayam” o laro ng mga katutubo.

Hiniling ng mayora sa mga katutubo na patuloy na magkaisa para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Bacnotan.

Nakipagdiwang rin sa Indigenous People si La Union Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David at Sangguniang Panlalawigan Member Gerard Ostrea at dito nila tiniyak ang kanilang suporta sa mga IP. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo

📷: LGU Bacnotan, La Union

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us