Insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Masbate, itinuturing na may kaugnayan sa eleksyon – COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay na lamang ng Commission on Elections (COMELEC) ang ulat mula sa Philippine National Police (PNP) gayundin sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito’y may kaugnayan sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa mga lalawigan ng Cotabato kagabi gayundin sa Masbate nitong Linggo.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, dahil nangyari ang mga insidente habang nagsasagawa ng aktibidad na may kinalaman sa pangangampanya ang mga biktima, itinuturing na nila itong may kinalaman sa halalan.

Gayunman, nais malaman ng poll chief ang kabuuang detalye hinggil sa mga naturang insidente, at ito ay tatalakayin nila ng en banc para isailalim sa deliberasyon.

Magugunitang tatlo ang nasawi habang dalawa ang sugatan nang pagbabarilin habang nagkakabit ng campaign paraphernalias ang mga tagasuporta ng isang kandidato, sa Barangay Rosary Heights sa Cotabato City, kagabi.

Habang patay din ang isang kumakandidatong kagawad at sugatan naman ang isang incumbent Barangay Chairperson nang tambangan ng grupo ng kalabang kandidato sa Brgy. Maingaran sa Masbate, noong araw ng Linggo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us