Instant pinakbet at chopsuey, inilunsad ng DA at Farm Fresh

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na kailangang laging mag-instant noodles dahil may mas mura at masustanya nang opsyon na alok ang Department of Agriculture at Farm Fresh Inc.

Pormal na inilunsad ngayon ang Instant Pinakbet at Chopsuey na mula sa Adopt-A-Town, Adopt-A-Farmer Program sa pangunguna ni DA Senior Usec. Domingo Panganiban, Farm Fresh Products founder Jerry Pelayo at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.

Ayon kay Farm Fresh Products founder Jerry Pelayo, sa ilalim ng proyektong ito ay ipo-proseso na ang mga gulay na direktang bibilhin sa mga magsasaka para gawing Instant Pinakbet at Chopsuey.

Wala rin aniyang anumang preservative at artificial flavoring ang Instant Chopsuey at Pinakbet

Matutugunan umano nito ang kadalasang problema sa nabubulok at nasasayang na mga gulay kapag nagkakaroon ng oversupply.

Maghahatid rin ito ng mas mura at masustansyang opsyon para sa publiko.

Maaari rin aniyang maipamahagi ang naturang instant food package sa proyekto ng ilang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Education para sa school-based feeding programs, Department of National Defense para sa disaster relief operations, at sa Department of Social Welfare and Development para sa supplementary feeding programs nito.

Nagpasalamat naman si DA Senior Usec. Domingo Panganiban sa inisyatibong ito ng Farm Fresh na aniya ay nakaangkla sa prayoridad na food security ng Administrasyong Marcos. | uat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us