Interest Rate Adjustment ng Monetary Board, nakasalalay sa pinakahuling datos ng GDP, inflation at labor market condition

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na ikukunisidera ng monetary board ang lahat ng impormasyon bago iadjust ang policy rate ng bansa.

Sa darating na November 16, muling magpupulong ang monetary board at kabilang sa tatalakayin ay ang interest rate. Sa weekend briefing, sinabi ni Diokno — mahalaga na isama ang mga impormasyon gaya ng gross domestic product,inflation at ang labor market condition sa kanilang talakayan.

Ayon sa kalihim na dating BSP governor, ang desisyon ng policy rate at nakabatay sa mga bagong impormasyon. Paliwanag niya na dapat kaakibat ng decision making sa policy stance o interest rate ang mga datos at observation mula sa lahat ng aspeto.

Ginawa ni Diokno ang pahayag kasunod ng pagtaas ng September inflation at ang nakatakdang pulong ng BSP. Diin ng DOF chief, dapat ikunsidera ang ilalabas na third quarter GDP na iaanunsyo ngayong Nobyembre at ang labor situation report. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us