Isang emorandum order ang inilabas ngayon ng Office of the Executive Secretary para sa pagsuspinde ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Ang kautusan ay inilabas sa bisa na rin ng direktiba mula mismo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasuspinde muna ito habang patuloy na ito ay pinag-aaralan.
Nais aniya ng Chief Executive na malinaw na mailatag ang mga safeguard sa IRR upang maging bukas ito o transparent at mapatibay ang bahagi ng tinatawag na ‘accountability’.
Ang memorandum ay idinaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kina Bureau of Treasury OIC Sharon Amanza, President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz ng Land Bank of the Philippines, at President and Chief Executive Officer Michael de Jesus ng Development Bank of the Philippines.
Nilagdaan ang nasabing memorandum nitong nagdaang October 12. | ulat ni Alvin Baltazar