Isang 4th year Criminology student, patay sa hazing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang 4th year Criminology student ng Philippine College of Criminology ang patay dahil umano sa hazing ng isang fraternity kahapon.

Batay sa spot report, kinilala ang biktimang si Ahldryn Leary Bravante, 26 taong gulang at taga-Imus, Cavite na nasawi matapos umanong sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi PCCR chapter na isinagawa sa isang abandonadong gusali sa Sto. Domingo Avenue kanto ng Calamba bandang alas-2 ng hapon.

Ayon naman sa Quezon City Police District (QCPD), dalawang oras matapos ang initiation, nawalan ng malay ang biktima kaya dinala ito sa Chinese General Hospital ngunit naideklarang dead on arrival.

Kaugnay nito, apat na indibidwal na ang hawak ng QCPD na may kinalaman sa pagkamatay ng criminology student.

Dalawa ang unang naaresto habang ang dalawang iba pa ay sumuko muna sa PNP-CIDG at pagkatapos ay itinurn-over sa tanggapan ng CIDU.

Ang apat na ito ay sinasabing kasama sa nangyaring initiation rites na ikinasawi ni Bravante.

Sa ngayon ay mayroon pang mahigit sa 10 hinahanap na kasama sa nangyaring hazing na ikinasawi ng estudyante.

Nananawagan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Ayon kay Alexander Bravante, tatay ng biktima, kalunos-lunos ang sinapit ng kanyang anak na nangingitim na ang mga hita dahil sa matinding palo, may mga paso at kagat pa sa ilang parte ng katawan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us