Isang bilyong pondo para sa Marawi compensation, mailalabas na sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang nakatakdang paglalabas ng pondo para sa Marawi compensation fund sa susunod na linggo.

Bago tuluyang ipasa ng Kamara ang panukalang 2024 National budget, nakakuha ng commitment ang mambabatas mula sa Department of Budget and Management (DBM) na ilalabas na sa susunod na linggo ang ₱1-billion na budget para sa kompensasyon na nakapaloob sa 2023 budget.

Nai-download na umano ang kabuuang ₱1.023-billion na budget na pambayad sa danyos sa may 362 claimants.

“Hindi ito sapat, pero at least alam na nating gumugulong na ang Marawi Compensation Program. Bibigyan nito ng pag-asa ang mga nag-file ng verified claims na hindi na ito kwestyon kung mababayaran ba sila o hindi, kundi kwestyon na lamang ng kung kailan,” ani Hataman.

Umaasa naman ang kongresista na tutuparin ng DBM ang pangako nito na maitaas ang Marawi Compensation fund sa susunod na taon sa ₱5 billion.

Aniya, hindi talaga sasapat ang naunang ₱1-billion na panukala para sa kompensasyon dahil hanggang August 31 ay nasa 4,762 na ang naghain ng claims.

“Kung tutupad ang pamahalaan sa pangakong itataas ang Marawi Compensation Fund sa ₱5-bilyon sa susunod na taon, malaking tagumpay ito para sa biktima ng Marawi Siege na naghintay ng mahigit anim na taon para maitayo ang kanilang mga nasirang tahanan.” | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us