Isang mall sa QC, handa na sa pag-arangkada ng BSKE ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

All set na ang SM City North Edsa Skydome para sa gaganaping 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na magsisimula alas-7 ng umaga.

Isa ang SM City North Edsa sa tatlong mall sa Quezon City na sa kauna-unahang pagkakataon ay magsisilbing polling centers.

Dito, boboto ang mga rehistradong botante na limang clustered precint mula sa Brgy. Alicia ng District 1 na dating bumoboto sa Sto. Niño Parochial School.

Sa mga larawang ibinahagi ng QC LGU, ipinakita ang kahandaan ng mall para sa inaasahang dagsa ng mga botante.

Magkakahiwalay na ang bawat presinto kung sssn may tig-15 botante ang maaaring makaboto ng sabay sabay.

Kumpleto ang setup mula sa voters assistance desk, mga silyang may nakalagay nang ballot secrecy folder, watchers area, express lane para sa mga senior, at PWDs, at maging sa media area.

Tiyak ring kumportable ang mga botante dahil sa magandang ventilation ng naturang mall.

Bukod sa SM North Edsa, kasama rin sa napiling pilot mall voting sa QC ang Robinsons Magnolia at sa SM City Fairview. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us