Isang mangigisda sa Pasuquin, Ilocos Norte, nawawala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga kasapi ng Philippine Marines, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force sa nawawalang mangingisda sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte.

Nakilala ang mangigisda na si Gerald Rafol, 20-anyos, at residente ng Sitio Dirique, Brgy. Davila ng nasabing bayan.

Una rito, hiniling ni Mr. Marcell Tabije, namumuno sa PDRRMC ng lalawigan ang tulong ng mga residente para sa paghahanap kay Rafol.

Gagamitin naman ng PAF ang kanilang air assets na pamumunuan ni Lt. Commander Arvin Acosta, PAF, Group Commander, Tactical Operations Group 1, TOWNOL, kadua na ti 505th Search and Rescue Group ng PAF.

Noong Oktubre 16, 2023 ng alas-dos ng madaling-araw ay pumalaot si Rafol kasama sina  Michael Alcoran at Reymond Bonete ngunit nagkaroon umano ng problema habang sila ay nangingisda sa layong 26 nautical miles mula pampang.

Nakabalik ng maayos sina Bonete at Alcoran maliban kay Rafol.

Dagdag ni Tabije na hindi maganda at malalaki ang alon sa dagat sa araw na iyon. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

📸PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us