Isinagawa ngayong umaga Oktobre a 17, ang Formal Surrender Ceremony sa headquarters ng 2nd Marine Brigade matapos na boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng ASG na matagal ng nagtatago dito sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay BGen. Romeo T. Racadio, Commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Taw-Tawi, matagal ng mino-monitor ng kanilang tropa ang nasabing ASG, na nag-operate sa bayan ng Sitangkai, na sangkot sa extortions at iba pang illegal activities, anya dahil sa palipat-lipat ito ng lugar, muntik na nilang tanggalin sa order of battle. Ngunit dahil sa talagang masigasig ang kanilang intelligence network at sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan, kung kaya’t nakumbinsi ang naturang Abu Sayyaf na magbalik loob na sa pamahalaan.
Ang naturang sumukong ASG ay kinilala sa pangalang Adzmin Muktadil, 28 taong gulang, asawa nito na si Kanang Sarail Muktadil, kasama na ang dalawang anak na menor de edad, isinuku rin nito ang kanyang sandata na M1 Garant rifle.
Matapos ang seremonya, kaagad naman nagbigay tulong ang MSSD-BARMM, Tawi-Tawi ng isang asking bigas, isang ng sardinas, Noodles at isang kahong dignity kits nagalalaman ng mga damit pambata at iba pang kagamitan, maliban dito isang convenient store naman sa bayan ng Bongao, ang nag-ambag din ng tulong na 3 sakong bigas, at dalawang kahong sardinas at may tumulong din ng pera mula naman sa NGO.
Sa huli, ipinahayag ni BGen. Racadio, ang kanyang pasasalamat sa mga ahensiya ng pamahalaan na dumalo sa nasabing seremonya, at nagpaabot ng kanilang tulong, ngunit hangad niya na ang pinakamagandang tulong yaong pangmatagalan, kung kaya’t agad ding tumalima ang iba pang dumalo sa naturang seremonya, na sila ay magbibigay ng livelihood training para tuluyan ng makabangon ang naturang ASG na makapamuhay ng normal at maging parte ng lipunan na may panggalang sa batas at tuluyang ng talikdan ang masasamang karanasan nito bilang isang miyembro ng teroristang grupo.
Dumalo rin sa nasabing seremonya ang Provincial Director ng Tawi-Tawi Provincial Police Office na si P/Col. Richard B. Basco, Commander ng MBLT-12 LtCol. Junniber S. Tubo PN(M), MBLT-1 Commander LtCol. Ric Ganuelas PN(M) at iba pang representante ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan sa Tawi-Tawi.| ulat ni Sali D. Jamasali| RP1 Tawi-Tawi