Pasado alas-3:00 ng hapon nang simulan ang ang bilangan ng boto sa Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City.
May isang presinto naman ang maagang natapos sa pagbibilang ng boto mag-a alas-5:00 ng hapon.
Ayon sa poll watcher na nakapanayam ng Radyo Pilipinas, 50 lang kasi ang bumoto sa kabuuang 186 na mga botatente sa naturang presinto.
Dalawa naman ang naglalaban para sa Punong Barangay sa naturang barangay.
Samantala, medyo nagkaroon ng gulo kanina dahil mayroong ilang kandito ang pumasok sa loob ng paaralan sa oras ng bilangan pero agad din naman silang pinalabas ng mga guard ng school at ng mga tauhan ng PPCRV.
Pero sa kabuuan, naging maayos at mapayapa naman ang naging halalan sa Highway Hills Integrated School at walang naitalang mga untoward incident, ayon sa PPCRV. | ulat ni Diane Lear