Isinagawang forum hinggil sa iba’t ibang aspeto ng kalusugan sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, nilahukan ng mga mag-aaral mula sa pinakamalaking unibersidad sa lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay at makabuluhan ang ginawang forum para sa ilang mga mag-aaral mula sa Pangasinan State University ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng Lingayen.

Sa nabanggit na programa, na tinaguriang “Kalangweran: Manserbi tan Manuley” at pinangunahan ni Lingayen MSWD Officer Lorenza Decena, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral upang magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng usaping pangkalusugan.

Kabilang dito ang COVID-19 Prevention, HIV Prevention, Mental Health at Adolescent Sexual and Reproductive Health.

Dumalo naman sa nabanggit na aktibidad si Lingayen Vice Mayor Mac Dexter Malicdem at nagbigay ito ng makabuluhang mensahe sa mga mag-aaral ng Pangasinan State University.

Naging aktibo naman ang paglahok ng mga mag-aaral na hindi sinayang ang pagkakataon upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa mga nabanggit na paksa. | ulat ni Ruel L. de Guzman | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us