Israel Chamber Commerce of the Philippines, nagsagawa ng candle lighting ceremony sa QC Circle para ipakita ang suporta sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng candle lighting ceremony ang Israel Chamber Commerce of the Philippines sa Quezon City Circle kahapon.

Ito ay upang ipakita ng naturang grupo ang suporta sa Israel at mariing kondenahin ang pag-atake ng grupong Hamas.

Isinagawa ang aktibidad sa Israel-Philippines Friendship marker sa Quezon City Circle kung saan nag-alay ng mga bulaklak ang mga miyembro at nagsindi ng kandila bilang simbolo ng liwanag sa kabila ng madilim na pangyayaring ito.

Ang naturang marker ay sumisimbolo sa pagkakaibigan at open door treaty sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Manuel L. Quezon kung saan tumanggap ang Pilipinas ng nasa 1,300 na refugees noong panahon ng Holocaust.

Nag-alay din ng panalangin ang grupo para sa mga nasawi at sa mga naipit sa giyera sa Israel.  Kabilang na rito ang tatlong mga Pilipino na unang namatay.

Sa ngayon, umabot na sa 1,400 ang mga indibidwal na nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Israel.  | ulat ni Diane Angela Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us