Israel-Hamas conflict, malaki ang epekto sa OFWs na nagtatrabaho at nais magtrabao sa Israel — ekonomista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang isang ekonomista na maliit lamang ang epekto ng Israel-Hamas conflict sa ekonomiya ng Pilipinas ngunit malaki ang epekto nito sa mga OFW na nagtatrabaho sa Israel.

Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corporation or RCBC, habang manageable ang financial markets ng bansa at hindi na madadamay pa ang ilang mga oil producing countries sa Middle East, limitado lamang ang epekto nito sa ekonomiya.

Ayon kay Ricafort, malaki ang epekto nito sa mga OFW dahil ang Israel na ang pangalawang tahanan ng mga OFW kung saan karamihan dito ay nagtatrabaho bilang caregiver at domestic workers.

Dahil aniya sa bakbakan ng Israel at Hamas, mababawasan ang pagpapadala ng OFW sa Israel dahil sa pagkakansela ng flights at isyu sa kaligtasan.

Paliwanag pa ng ekonomista, bunsod ng pag-atake ng Hamas sa Israel, malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng Israel at damay dito ang Pinoy workers .

Samantala, hindi naman aniya gaano maaapektuhan ang remittances mula sa naturang bansa dahil nasa .5% ito ang pinapadalang remittances ng OFWs mula sa iba’t ibang panig ng mundo. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us