Itinaas sa Alert Level 2, ang estado ng seguridad sa Bicol International Airport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Alert Level 2 sa seguridad sa Bicol International Airport Daraga Albay itinaas, makalipas ang insedente ng bomb joke at encounter sa pagitan ng mga tauhan ng PNP Daraga at hitmen ng New People’s Army malapit sa paliparan.

Ayon kay security guard on duty Edmher M. Andes, mahigpit ang kanilang security check para sa kapakanan ng publiko at buong paliparan.

Kaugnay nito, halos umabot sa tatlong kilometro ang haba ng pila ng mga sasakayn papasok sa paliparan ngayong umaga dahil sa dami ng flights ngayon. Inaasahang ganito rin ang magiging sitwasyon mamayang tanghali, hapon at hanggang  sa gabi.

Namataan ng Radyo Pilipinas Albay, ang ibang pasaherong mahuhuli na sa kanilang flight naglakad na lamang upang makahabol sa kanilang flight schedule.

Nagreklamo rin, ang ilang pasahero sa mga sumisingit sa pila. Anila, dapat sumunod sa pila  ang mga ito, dahil sa parepareho naman silang mahuhuli sa flight.   Tinawagan ng pansin ng ilang pasahero, ang security guard on duty na huwag papalagpasin ang ganitong sisingit sa pila. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us