Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang negosyante at sinasabing mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan Special Second Division, guilty si Napoles sa apat na bilang ng kasong ‘malversation of public fund’ at graft.
Kaugnay ito ng iligal na paggasta ng aabot sa P20 milyong pork barrel fund ni dating South Cotabato Cong. Arthur Pingoy mula 2007 hanggang 2008.
Abswelto naman sa nabanggit na mga kaso si dating Cong. Pingoy, dating DBM Usec. Mario Relampagos maging ang mga kapwa akusado na sina Rosario Nunez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Francisco Figura, Dennis Cunanan at Marivic Jover dahil sa kabiguan ng prosekusyon na mapatunayan ang kanilang ‘guilt beyond reasonable doubt’.
Dahil dito, ipinapasauli na ang cash bonds na inihain nina Pingoy, Relampagos, Nuñez, Paule, Bare, Cunanan, Figura at Jover. | ulat ni Merry Ann Bastasa