Nagpahayag ng interes ang Japan na isulong ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas.
Ito ay sa sektor ng renewable energy, sustainable technology, infrastructure at fixed income instrument.
Kabilang ito sa mga natalakay sa pagpupulong ni Finance secretary Benjamin Diokno sa mga kinatawan ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC), Mizuho Securities at Nomura Holdings sa sidelines ng 2023 annual World Bank-IMF meeting.
Ayon sa Department of Finance, ibinahagi ng kalihim ang masusing pagtutok ng Pilipinas sa transisyon sa renewable energy, mga oportunidad sa public-private partnerships, mga investment sa imprastraktura ng bansa at ang lumalagong merkado para sa bond and sustainable finance instrument.
Naging mahalaga naman ang mga isinagawang pagpupulong ni Diokno sa pagitan ng Japan kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Pebrero at ang pinakahuling high level infrastructure meeting ng economic managers nitong Agosto. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF