Tiniyak ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na patuloy nitong susuportahan ang mga transport project sa Pilipinas, kahit pa matapos ang administrasyong Marcos.
Sa ginanap na 50th Anniversary ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines (JCCIPI), binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang magandang ugnayan ng DOTr at gobyerno ng Japan.
Ayon kay Bautista, sa tulong ng Official Development Assistance ng Japan, maipagpapatuloy ang mga proyekto sa sektor ng transportasyon sa bansa kahit pa magtapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Umaasa naman ang kalihim, na makahihikayat pa ng mas maraming Japanese investors na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sa pamamagitan ng tulong ng JICA, nasimulan ang mga proyekto gaya ng North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway, Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension, at Metro Rail Transit (MRT) Line 3 rehabilitation. | ulat ni Diane Lear