Nagpulong ang Department of Transportation (DOTr), pamahalaan ng Japan, at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) upang talakayin ang mga isinasagawang JICA-funded infrastructure project sa Pilipinas.
Kabilang sa mga napag-usapan ang LRT-1 Cavite Extension Project, LRT-2 East Extension Project, MRT-3 Rehabilitation and Maintenance, Metro Manila Subway Project Phase I, at ang North-South Commuter Railway Project sa ilalim ng Railway sector.
Habang natalakay din sa Aviation at Maritime ang bagong Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management, konstruksyon ng bagong Bohol Airport and Sustainable Protection Project, at iba pa.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, malaki ang tulong ng mga naturang proyekto sa aviation, railways, at maritime sector sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Nagpasalamat naman ang kalihim sa JICA sa tulong na mapabuti ang mass transport system sa Pilipinas.
Tiniyak naman ni JICA Chief Representative to the Philippines Takema Sakamoto ang patuloy na suporta ng pamahalaan ng Japan sa Pilipinas sa mga transport infrastructure project ng bansa. | ulat ni Diane Lear