Pinabulaanan ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang alegayson ni dating presidential spokesperson Harry Roque na pinopolitika ng Kamara ang paglilipat ng confidential funds.
Ayon kay Salo, maliban sa walang basehan ay hypocritical din aniya ang mga pahayag ni Roque laban sa institusyon kung saan minsan na rin siyang naging miyembro.
Kinuwestyon din ni Salo ang kredibilidad ni Roque na dating kinatawan ng Kabayan party-list ngunit kalaunan at pinatalsik dahil sa naging asal nito sa noo’y congressional probe sa umano’y drug trade sa New Bilibid Prison noong 2017.
“It’s ironic that someone with such a history now seeks to lecture the House on political matters,” sabi ni Salo.
Diin ni Salo ang desisyon ng Kamara na maglipat ng confidential fund ay nakaayon sa panuntunan at para sa interes ng publiko.
“The House’s decision to remove the confidential funds was executed in strict adherence to established protocols and, above all, to serve the best interests of the Filipino people, free from any political ulterior motives, after thorough public hearings,” punto ni Salo
Hindi rin makatwiran ani Salo ang sinasabi ni Roque na mas kwestyunable ang pagkakaroon ng extraordinary and miscellaneous expenses kay sa confidential funds.
Paghimok naman ni Salo sa publiko na ituon ang atensyon sa government transparency at accountability kaysa magpadala sa mga walang basehang mga alegasyon.| ulat ni Kathleen Jean Forbes