KABAYAN Party-list solon, nanawagan para sa agarang pagbubukas ng humanitarian corridor at ceasefire sa Gaza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan Partylist Representative Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gawin ang lahat ng diplomatikong pakikipag-ugnayan para mabuksan ang humanitarian corridor sa Gaza Strip at ligtas na mailikas ang mga kababayan nating naiipit ngayon sa gulo sa pagitan ng Israel at Palestine.

Sa isang briefing sinabi ng DFA na nakadepende sa pagbubukas ng humanitarian corridor sa Egypt ang repatriation ng mga Pilipino sa Gaza.

Kasabay nito nais ring malaman ng mambabatas kung sasapat ba ang 24-na oras na pagbubukas ng naturang humanitarian corridor upang mailikas ang nasa 78 Pilipino na gustong umuwi ng Pilipinas.

“The DFA must exhaust all diplomatic means to push for an immediate ceasefire and open a humanitarian corridor to allow the safe passage of our Kabayans, and other foreign nationals trapped in Gaza. This ceasefire will provide the much-needed window of opportunity to ensure the safe passage of our people in the affected area,” sabi ni Salo

Siniguro naman aniya ni DFA Secretary Enrique Manalo na sapat na ang isang buong araw para mailabas ang mga Pilipino mula sa Gaza, bagamat aminado ito na habang tumatagal ay mas malaki ang banta nito sa kanilang kaligtasan.

Kaya kailangan aniya na makipag-ugnayan ang Pilipinas sa United Nations at iba pang bansa para mabuksan na ang daan.

Kasabay nito ay kinilala rin ni Salo ang DFA, Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagtugon sa sitwasyon kasunod na rin ng repatriation ng 17 Pilipino mula Israel.

“I emphasize the need for swift action in this crisis. Nevertheless, I am truly grateful for the ongoing efforts of the DFA, DMW, and OWWA to address the situation, and it brings hope to see the successful repatriation of the first batch of 17 Filipinos,” ani Salo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us