Nakipagpulong nitong Huwebes si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at Kabayan Partylist Representative Ron Salo kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss salig na rin sa atas ni Speaker Martin Romualdez.
Ito ay para alamin ang mga hakbang na ginagawa ng Israeli government upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Ayon kay Ambassador Fluss, kasama ang mga kababayan nating Pilipino sa may 60,000 na residenteng lumikas sa palibot ng Gaza.
Karamihan sa kanila ay namamalagi sa mas ligtas na lugar.
Tiniyak din ng embahador na inaayos na ang kinakailangang dokumento para mapauwi ang labi ng apat na Pilipinong namatay dahil sa mga pag-atake
Ayon pa mismo kay Ambassador Fluss, sasagutin ng Israeli government ang repatriation ng kanilang mga labi maliban pa sa funeral at commemoration expenses.
Depende sa sitwasyon, maaari rin aniyang makatanggap ng buwanang security benefit ang asawa o magulang ng mga kababayan nating nasawi.
Malaki naman ang pasasalamat ni Salo sa Israeli government sa pagtugon nito sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Umaasa rin ang mambabatas na tuluyan nang humupa at maresolba ang tensyon.
“In a time of great concern for the safety and well-being of our fellow Filipinos caught in the Israel-Hamas conflict, we are greatly comforted by the assurance of the Israel ambassador to the Philippines. It is with deep relief that we receive this affirmation of the welfare and protection of our overseas Filipino workers (OFWs) in Israel. We are grateful for the support provided by the Israeli government, not only in shouldering the repatriation expenses but also for extending social security benefits to the families of the terror victims,” ani Salo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes