Kaguluhan sa Israel, hindi makakaapekto sa lokal na produksyon sa Pilipinas — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi lubusang makakaapekto sa lokal na produksyon sa bansa ang nangyayari ngayong sigalot sa Israel.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, katuwang ng Pilipinas ang Israel sa water management at fertilization sa mga sakahan.

Maliban dito, wala namang nakikita ang DA na malaking epekto sa food production ng bansa ang lumalalang kaguluhan sa Middle East.

Gayunman, umaasa ang DA na agad maresolba ang gulong ito lalo’t matagal na aniyang trading partner ng Pilipinas ang Israel na sumusuporta rin sa mga produktong Pinoy.

Kabilang dito ang desiccated coconut, pineapple juice at concentrates.

Sa tala din ng DA, aabot na sa 3.3 milyong kg ng iba’t ibang agricultural commodities ang inangkat ng Israel sa bansa mula nitong Enero hanggang Hunyo ng 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us