Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa pagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Pilipino dahil sa nagpapatuloy na gulo sa southern region ng Israel.
Aniya, ang pagkawala ng buhay ng dalawa nating kababayan ay malagim na paalala sa kung ano ang epekto ng karahasan sa buhay ng mga inosente.
Panawagan ng House Leader sa combatants, na itigil na ang pag-atake at tumalima sa international law.
“We earnestly appeal to all combatants to exercise utmost restraint and ensure the safety of civilians, including our fellow Filipinos. Upholding the tenets of international law and the relevant UN Security Council Resolutions is essential, and the Philippines stands ready to cooperate with the international community towards a peaceful and lasting resolution.” dagdag ni Romualdez
Pagtiyak pa nito, na top priority ng ating gobyerno na matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan natin sa Israel at ang pagbibigay ng kinakailangang tulong para sa kanila.
Sa kasalukuyan, may tinatayang nasa 300 Pilipino ang namamalagi sa southern region malapit sa Gaza border kung saan naganap ang mga pag-atake batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Migrant Workers (DMW).
Batay sa update ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega sa House Committee on Overseas Workers Affairs, may isa pang Pilipino na posibleng nasawi dahil sa gulo sa Israel.
Kasalukuyan aniya itong isinasailalim sa DNA upang makumpirma kung Pilipino nga.
May tatlo ring unaccounted pa. | ulat ni Kathleen Forbes