Kamara at DSWD, magkatuwang sa pamamahagi ng ayuda sa buong bansa sa pamamagitan ng Malaya Rice Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikakasa ng House of Representatives at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa buong bansa sa mga susunod na araw.

Target simulan ng Kamara at DSWD ang “Malaya Rice Project” sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng programa kada benepisyaryo ay makakatanggang ng P1,500 na tulong pinansyal.

Ang P570 dito ay pambili ng 15 kilo ng bigas na nagkakahalaga ng P38 kada kilo at mabibili sa labas lang ng pay-out center.

Ang nalalabi namang P930 ay maaaring gamitin pambili ng iba pang pangangailangan.

Tinatayang 3 milyong Pilipino sa buong bansa ang makikinabang dito kung saan kasama ang low-income sector, senior citizens, persons with disabilities, single parents, at indigenous people.

Ang listahan ng benepisyaryo ay magmumula sa iba’t ibang distrito na isusumite ng mga district representatives.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang hakbang na ito ay paunang tulong lamang habang pinaplantsa ng pamahalaan ang pangmatagalang solusyon sa kagutuman at mahal na bilihin.

“This is an initiative of the House and the DSWD to immediately help our fellow countrymen who are struggling while the government works on long-term solutions to hunger and expensive goods. As I mentioned before, the government understands the hardships of our fellow countrymen, so we are taking immediate steps to alleviate their suffering,” sabi ni Romualdez.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us