Kamara, magbibigay ng P10 million cash incentive para sa Gilas Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ng cash incentive ang House of Representatives sa Gilas Pilipinas ayon kay House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co.

Aniya, nagkasundo ang liderato ng Kamara na bigyan ng P10 million reward ang Gilas, matapos tapusin ang anim na dekadang tag tuyot sa kanilang pagkapanalo ng gold medal sa katatapos lang na Asian Games.

Inaaral din nila ang pagbigay ng pagkilala sa iba pang atleta na nagwagi sa Asian Games.

Isang hiwalay naman na resolusyon ang inihain ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera, para parangalan ang mga atletang Pinoy na sumabak sa naturang palaro.

Sa kaniyang House Resolution 1364, ang mga atletang nakakuha ng ginto ay pinabibigyan ng Plaque of Distinction; samantalang Certificate of Commendation para sa mga silver at bronze medalist.

Para naman sa bagong “record holders,” sila ay bibigyan ng Certificate of Recognition. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us