Kamara, magkakaroon ng special session sa November 4

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaroon ng special session ang House of Representatives sa darating na November 4 alas-9 ng umaga.

Sa isang memorandum mula sa Office of the House Secretary General, inabisuhan ang secretariat officials at empleyado na kailangan pumasok sa naturang araw.

“The House of Representatives will hold a special session for an important event on Saturday, 04 November 2023 at 9:00 AM. All Secretariat officials and employees shall report for work from 8:00 AM – 2:00 PM,” sabi sa memorandum.

Bibigyan naman ng shuttle service ang mga papasok na empleyado dahil ang naturang araw ay natapat ng Sabado.

Sa hiwalay na mensahe mula kay Secretary General Reginald Velasco sinabi nito, na wala pa silang awtorisasyon na ianunsiyo kung para saan ang special session dahil pinaplantsa pa ang detalye.

Ngunit inaasahan na isang mataas na opisyal mula sa ibang bansa ang bibisita at haharap sa mga mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us