Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maglalaan ang Kamara de Representates ng ₱3-billion para sa development projects ng Pag-asa Island.
Ginawa ni Romualdez ang komitment kasunod ng kanyang pagbisita sa West Philippine Sea kasama ang ilang mga kongresista at mga opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa House leader, ang naturang halaga ay para sa airport reclamation extension, naval port, at fishing sanctuary para sa mga Filipino fishermen.
Sa isang press conference, tinanong si Speaker Romualdez kung makakakuha ba ang Pagasa Island ng bahagi mula sa bilyong pondo ng confidential funds na inaasahang ire-realign ng Kamara, sagot nito na asahan na makikinabang ang Pag-asa at Kalayaan Group of Islands ng suporta mula sa 2024 Pambansang Budget.
Ayon pa kay Romualdez, layon ng kanilang pagbisita sa isla na makita ang maaari pang pagpapahusay ng Pag-asa Island facilities. | ulat ni Melany Valdoz Reyes