Kamara, mataas ang morale ngayon dahil sa patuloy na pagtitiwala ng publiko kay Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang pagtanggap ng mga chairperson ng iba’t ibang komite sa Kamara sa mataas na pagtitiwala ng publiko sa lider ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co, ang mataas na rating ni Speaker Martin Romualdez ay patunay na ‘on-track’ ang Kamara sa pagtupad sa mandato nito na pagsilbihan ang mga Pilipino.

Ang naturang survey ay magsisilbi aniyang inspirasyon na lalo pang magtrabaho at hindi para magpakampante.

“I believe if the Filipino people continue to put their trust in Speaker Romualdez’s leadership, then the House must be doing something right. And it is my humble assertion that legislative work under Speaker Romualdez complements the efforts of the administration of President Bongbong Marcos Jr. government programs are made possible through a competent, streamlined but exhaustive legislation process put in place by the Speaker,” sabi ni Co.

Para naman kay House Committee on Agriculture Chair Mark Enverga, lalo umanong nagpaalab sa pagnanais ng Kamara na mapababa ang presyo ng bilihin at maparami ang suplay ng pagkain sa bansa dahil sa naturang survey

“The substantial increase in trust and approval ratings for Speaker Romualdez serves as a resounding testament to his effective leadership. It reinforces our commitment within the House of Representatives to remain vigilant in our role, especially when it comes to ensuring the stability of prices for essential commodities, with a particular focus on staples like rice and other vital agricultural products,” ani Enverga.

Nakaka-proud naman para kay House Committee on Dangerous Drugs Chair Ace Barbers ang nakuhang rating ng House leader at pinapataas nito ang morale ng miyembro ng Kamara.

“While I’m sure that the good Speaker won’t gloat about it, for us House members, we are happy to see his hard work recognized. This gives us all the more reason reason to work harder for the benefit of Filipinos. It further affirms our view of Speaker Romualdez, who is a quiet but good general. Walang masyadong satsat, trabaho lang. Nakikita na ito ng tao.” saad ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us