Kamara, nakiramay sa pagpanaw ni Palawan Rep. Hagedorn

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ang Kamara ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Palawan 3rd district Rep. Edward Hagedorn.

Sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na para sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara, hindi lang basta katrabaho si Hagedorn bagkus ay isa na ring kapamilya.

Hinikayat din ng lider ng Kamara na alalahanin at ipagbunyi ang mga legasiyang iniwan ng kongresista na magsisilbing insiprasyon sa marami.

Tinukoy nito ang pagiging kampeon ni Hagedorn para sa usapin ng kalikasan, turismo, agrikultura at kapayapaan.

“We are deeply saddened by the loss of our cherished colleague, Rep. Edward Solon Hagedorn. More than his roles in the political arena, Cong. Ed was a guiding light and inspiration to many of us personally. His passion for the environment, tourism, agriculture, and peace was not just a professional pursuit, but a reflection of his soul,” sabi ni Speaker Romualdez.

Para sa House Speaker, isang karangalan at pribilehiyo na makatrabaho si Hagedorn.

Hinimok naman ni Romualdez ang lahat na ipagdasal ang naiwang pamilya ni Hagedorn.

“I ask the nation to join me in extending our deepest condolences to his family and loved ones. As they tread through this period of grief, may they find solace in the immense legacy he leaves behind and the countless lives he touched,” dagdag pa nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us