Kamara, nangako na patuloy na tututukan ang lahat ng legislative agenda ng adminsitrasyon kasunod ng mataas na satisfaction rating ng House Speaker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa patuloy na kumpiyansa ng mga Pilipino sa trabaho ng Kapulungan.

Ito’y matapos makakuha ang House leader ng mataas na net satisfaction rating sa isinagawang Pulso ng Pilipino tracking survey ng The CENTER.

“I am mighty humbled by the feedback of our kababayans on the work that the House has produced the past few weeks. We in the House will show our gratitude to Filipinos by working at an even higher pace to close out the year,” saad sa pahayag ni Speaker Romualdez.

Aniya, magpapatuloy lang sila sa pagtatrabaho upang matapos ang lahat ng legislative master plan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at hindi magpapadala sa hindi mahahalagang ingay o paninira.

Batay sa Pulso ng Pilipino tracking survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa noong September 23 hanggang 30, nakakuha si Romualdez ng 60% na net satisfaction rating sa ikatlong quarter ng 2023 (70% satisfied, 10% dissatisfied).

Five percentage points itong mas mataaas kung ikukumpara noong ikalawang quarter.

Tinukoy rin ng The CENTER ang malaking ambag ni Speaker Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri sa pamumuno ng Kamara at Senado para suportahan ang legislative agenda ng administrasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us