Isang memorandum ang inilabas ng House Secretary General na nagbababala sa miyembro at empleyado ng House of Representatives kaugnay sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) image generator applications.
Ipinunto ng House Secretary General na posibleng may banta sa seguridad at privacy ang paggamit ng naturang mga application.
Ang mga gumagamit ng AI application ay pinagsusumite ng litrato upang lumikha ng imahe na katulad ng itsura at galaw ng totoong tao.
Kaya naman mas lantad umano ito sa identity theft.
“This application poses privacy and security risks for anyone due to the possible creation of fake profiles, identity theft, and other malicious cyber activities,” sabi ng memorandum.
Hinikayat din ang mga House members at employees na maging maingat sa pag-download ng mga kahalintulad na application o sa pagbabahagi ng impormasyon online. | ulat ni Kathleen Jean Forbes