Kampanya laban sa illegal online lottery operators, ipinag-utos ng DILG sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) partikular na ang Anti-Cybercrime Group, para tugisin ang mga grupong nasa likod ng illegal online lottery games sa bansa.  

Ito ay bilang pagpapakita ng suporta ng DILG sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), laban sa kampanya nito kontra illegal online lotto operators.

Kahapon, pormal nang nagsampa ng kaso sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office si PCSO General Manager Mel Robles laban sa apat na kumpanyang natukoy na nag-operate bilang online lotto.

Sabi ni Abalos, katuwang ng DILG ang PCSO sa layuning panagutin ang mga nagnanakaw sa dapat ay kita ng gobyerno na nagagamit para tulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

Batay sa ulat ni GM Robles, kumita na ng P4.7-billion sa loob lamang ng halos isang taong operasyon ng walang gastos at walang naiaambag na buwis sa gobyerno, ang apat na mga kumpanya na sangkot sa illegal lotto games. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us