Kampanya laban sa vote buying, selling, mahigpit na ipapatupad ng PNP sa Eastern Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng PNP, Philippine Army, at Philippine Coast Guard  Eastern Visayas na paiigtingin ang kampanya laban sa mga magbebenta at bibili ng boto kaugnay sa BSKE.

Ayon kay Col. Salvador Alacyang, Deputy Regional Director for Operation (DRDO) ng PNP-8, hihigpitan ang checkpoints, bukas ang mga  police station sa pagtanggap ng reklamo; at magsasagawa ng mga police operation para pigilan ang vote buying and selling.

Sa panig ng Philippine Armay, sinabi ni BGen. Perfecto Peñaredondo, deputy commander ng 8ID, na kasama sa kanilang information and education campaign ang kanilang suporta sa pagpapatupad ng “Kontra-Bigay”.

Samantala, sa Philippine Coast, ayon kay Capt. Neftali Castillo, hihigpitan ang pagbabantay sa mga pantalan at coastal communities para mapigilan ang pag-transport ng malaking halaga ng salapi papunta sa mga isla.

Kaugnay nito, umapela si RED, Felicisimo Embalsado sa mga kandidato na sundin ang mga batas kaugnay sa BSKE dahil seryoso ang Comelec na ipatupad ito.  | ulat ni Daisy Amor Belizar | RP1 Borongan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us