Kasunod ng isinagawang raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang Rivendell Global Gaming Corporation sa Pasay City noong August 1, balik na sa kanilang bansa ang 36 na Chinese nationals na nauna nang na-detain dahil sa illegal na operasyon nito sa bansa.
Ayon sa Chinese Embassy dito sa Pilipinas, ito na umano ang pinakabagong hakbang ng law enforcement sa pagitan ng Pilipinas at China laban sa mga POGO.
Dagdag pa ng Embahada ng Tsina, magpapatuloy ang suporta nito para sa law enforcement cooperation ng Tsina at Pilipinas upang pangalagaan ang masiglang social economic and people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinasabing nakabiyahe ang mga deported Chinese nationals matapos ang request na rin ng PAOCC kung saan dumaan ito sa identification ng Embahada at binigyan ng mga kaukulang travel documents.
Kasama namang umalis ng bansa ang mga Chinese nationals kasama ang Philippine police escorts noong Biyernes.
Noong September 22 may ilang POGO-employed Chinese workers na rin ang balik-China matapos ang isinagawang unang batch ng deportation. | ulat ni EJ Lazaro