Suspendido ang klase sa lahat ng antas mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsya ng Davao de Oro kasunod ng magnitude 5.9 na lindol kaninang madaling araw.
Base sa record ng DOST Phivolcs, naitala ang pagyanig kaninang alas 2:58 ng madaling araw kung saan ang sentro nito ay sa New Bataan sa nasabing probinsya at may lalim na 5 kilometers.
Inabisuhan naman ni Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga ang lahat ng mga local government units na inspeksyunin ang lahat ng mga pasilidad lalo na ang mga paaralan upang masiguro ang structural integrity ng mga ito.
Muli namang pinag-iingat ng opisyal ang publiko lalo na’t sunod-sunod parin ang nararamdamang aftershocks. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao