Klase sa Navotas at Malabon, suspendido ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nag-anunsyo ng class suspension ngayong Biyernes ang Malabon LGU at Navotas LGU.

Sa abiso ng dalawang pamahalaang lungsod, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan dahil sa itinaas na Yellow Rainfall Warning ng PAGASA.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng mga Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Ayon din kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, inaasahang magiging maulan ngayon dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Jenny kaya minabuti nitong suspendihin ang klase para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us