Komprehensibong reintegration program para sa mga uuwing OFW, didinggin ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si OFW Party-list Representative Marissa Magsino na tututukan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang paglalatag ng reintegration program para sa mga uuwing overseas Filipino worker (OFW).

Aniya, mayroong atas si Speaker Martin Romualdez na siguruhin ang kapakanan ng mga returning OFW sa Pilipinas lalo na sa aspeto ng paghahanap ng trabaho o mga oportunidad sa kabuhayan.

Mahalaga ani Magsino na magkaroon ng komprehensibong public consultations, upang malaman ang sentimyento ng stakeholders at mapag-ibayo ang mga polisiya para sa mga migrant worker.

Bahagi aniya nito ang paglapit sa private sector upang makapag-refer ng trabaho sa mga uuwing OFW na akma sa kanilang kasanayan.

Kasabay nito mahalaga rin ani Magsino, na matutukan ang iba pang hamong kinakaharap ng mga OFW tungkol sa labor rights, usaping legal pati na sa kanilang skills development.

Sinabi pa ng Assistant Minority Leader, na kailangan din palakasin ang mental health at financial literacy program para sa mga OFW at kanilang pamilya.

“These measures are our initial response to the sacrifices and challenges that OFWs face in pursuit of better opportunities. The Marcos administration and the House leadership under Speaker Romualdez are doing everything to address their plight and ensure their well-being,” dagdag ni Magsino. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us