Inaasahan na magreresulta sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa, sakaling mapagtibay ng ASEAN region at Gulf cooperation council ang kooperasyon sa sektor ng agrikultura.
Pahayag ito ni Foreign Affairs Asec Daniel Espiritu, sa harap ng gagawing pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kauna-unahang ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia sa October 20.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na karamihan kasi sa mga bansang kasapi ng Gulf, ay pinagmumulan ng krudo.
At bagamat pinag-uusapan pa lamang sa kasalukuyan ang posibleng kooperasyon sa supply activities ng krudo sa pagitan ng dalawang rehiyon, sa oras aniya na maisakatuparan ito, makakatulong ito sa pagtugon sa supply shortage o instability ng oil supply sa ASEAN region.
“If the two original organizations can cooperate on that and assure each other a continued and reliable supply in spite of what we called the vicissitudes of energy economics and the geopolitical instabilities, then we can more or less assure each other of a—or we can rather assure ASEAN of a continued and consistent volume of supply throughout the year. Now, we that, we can mitigate the higher prices of oil in ASEAN.” —Asec Espiritu. | ulat ni Racquel Bayan