Nagbigay ng update si Finance Secretary Benjamin Diokno sa Korea business community sa improved investment environment ng bansa sa ginanap na kauna unang Korea-Philippines Forum on the Ease of Doing Business.
Sa ginawang dialogue nabigyan ng pagkakataon ang DoF na iprisinta sa business community ang mga development upang mas madali ang pagnenegosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Diokno, patuloy na sinusulong ng bansa ang mga “game-changing measures” upang ipromote ang partisipasyon ng international players sa economic transformation na tinatahak natin ngayon.
Kabilang dito ang ease of doing business particular sa trade, investment, tax policies at administration., customs and licensing. Idinetalye rin ng kalihim ang ilang bago at amienda sa batas upang gawing mas madali sa mga foreign investors na mamuhunan sa PIlipinas.
Diin ng kalihim, habang sinusulong ang mas business and investment friendly policies patuloy ang kailang hangarin na itaas pa ang status ng bansa bilang premier investment destination sa rehiyon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes