Sabwatan ng sindikato at car dealers sa pambibiktima ng mga guro sa ‘car loan scam’, iniimbestigahan ng PAOCC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestigahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang posibleng kutsabahan ng sindikato at mga car dealer sa pambibiktima ng mga guro sa natuklasang car-loan scam.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Chief Usec. Gilbert Cruz, na 60 mga kaso ng car loan scam ang kanilang naitala kung saan 17 sa mga guro ang nagpasaklolo na sa kanila.

Ayon kay Cruz, nasampahan na ng kasong carnapping, estafa at falsification of documents ang lider ng sindikato na hindi muna pinangalanan, habang hindi pa naaresto ang suspek at mga kasabwat nito.

Modus umano ng grupo ang akitin ang mga guro na mag-loan ng kotse sa bangko para ipang-negosyo, kung saan kukunin ng sindikato ang kotse kapalit ng pagtutuloy ng hulog at pangako sa guro ng buwanang kita mula sa pagpapaarkila ng sasakyan.

Makalipas ang ilang buwan ng pagbibigay ng umano’y kinita ng sasakyan sa guro ay mawawala na lang ang sasakyan at ang mga guro ang hahabulin ng bangko sa pagkakautang nito.

Sinabi ni Cruz na malinaw na may kutsabahan ang sindikato sa car dealers dahil sa bilis ng pagproseso ng mga dokumento ng guro sa pagkuha ng kotse. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us