“Lab For All Caravan” ni First Lady Liza Araneta-Marcos, dinala sa San Jacinto, Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na dinaragsa ng publiko ang isinasagawang “Lab for All” Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ngayong araw, ika-21 Oktubre 2023 sa San Jacinto, Pangasinan.

Ilan sa mga serbisyong hatid ng programa ay ang libreng medical consultation, libreng gamot, at legal consultation at advice.

Dagdag dito, hatid rin ng caravan ang iba`t ibang libreng laboratory services tulad ng Fasting blood sugar (FBS), Creatinine level test, Uric Acid test, Lipid profile, at Xray para sa mga suspected Tuberculosis patients.

Naging katuwang sa program ng Unang Ginang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno si Gov. Ramon Guico III, Department of Health (DOH) Pangasinan, Provincial Health Office, Public Attorney’s Office (PAO) Dagupan City at Local Government Units (LGU) ng San Jacinto, Pangasinan.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente ng bayan sa programa at serbisyong hatid ng unang ginang. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us