‘LAB FOR ALL’ Caravan, suportado ng NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang National Housing Authority (NHA) sa muling pag-arangkada ng programang LAB FOR ALL sa Cavite Service Caravan nito.

Ayon sa NHA, personal na dumalo si NHA General Manager Joeben Tai para sa libo-libong mahihirap na benepisyaryo sa Tagaytay International Convention Center, Cavite noong October 10, 2023.

Bilang bahagi ng caravan, nagtayo ang National Housing Authority (NHA) ng isang booth para sa mga kalahok na nais magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang programa’t serbisyo ng ahensya sa ilalim ng Build Better and More Housing Program nito alinsunod sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng administrasyon.

Ang Programang LAB FOR ALL ay isang inisyatiba ni First Lady Marie Louise Araneta-Marcos na layong bigyan ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng libreng mga medikal na pagsusuri, serbisyong pang-pamilya, at pamamahagi ng libreng gamot bilang bahagi ng maagap na implementasyon ng RA 11223 o Universal Healthcare Act. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us