Laban kontra ilegal na droga ng pamahalaan, dapat pang paigtingin — Sen. Dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa obserbasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tila lumalakas ulit ang drug trade sa Pilipinas.

Kaya naman para kay Dela Rosa ay kailangan na itong tugunan sa lalong madaling panahon.

Ibinahagi ng senador na base sa mga natatanggap niyang impormasyon ay unti-unti nang bumabalik sa pre-Duterte administration ang sitwasyon ng kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.

Aniya, lumalakas nang muli ang loob ng mga nagbebenta ng shabu at nararamdaman nang muli sa mga kalsada ang ilegal na bentahan.

Pinunto ni Dela Rosa na isa sa mga malakas na indicator nito ay ang pagiging malakas ang loob ng mga kriminal at sindikato na gumawa ng krimen dahil halos lahat naman aniya ng krimen ay drug-related.

Kaugnay nito ay sinabi ng senador, na dating naging hepe ng Philippine National Police (PNP) at namuno sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon, na dapat mas paigtingin pa ng Marcos administration ang laban nito kontra ilegal na droga.

Kabilang na dito ang pag-motivate sa mga pulis sa buong Pilipinas para ganahan silang muli na magkasa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us