Labi ng isa sa mga nasawing OFW sa Israel, nakatakdang iuwi bukas sa Pilipinas—DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang iuwi bukas sa Pilipinas ang labi ng isa sa mga nasawing overseas Filipino workers na nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Israel.

Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Maria Antonette Allones, inaasahang darating bukas sa bansa ng alas-4 ng hapon ang labi ng babaeng caregiver na nasawi sa naturang bansa.

Samantala, na-cremate naman na ang labi ng isa pang OFW na nasawi at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng kaniyang asawa na nasa Israel din.

Wala pang ibang detalye ang Department of Migrant Workers kung kailan maiuuwi ang labi ng iba pang mga Pilipino na nasawi sa naturang bansa.

Matatandaang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na umabot na sa apat na mga Pilipino ang nasawi sa Israel dahil sa nagpapatuloy na gulo roon. | via Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us