Dumating na sa bansa ang labi ng pinaslang na si Marjorette Garcia sa bansa kaninang umaga.
Sakay ng Philippine Airline flight 683 mula Damam, Saudi Arabia, lumapag sa Ninoy Aquino Terminal 3 pasado alas-10 ng umaga at personal na sinalubong sa Philippine Airlines cargo area ang mga labi ni OWWA Administrator Arnel Ignacio at mga opisyales ng Department of Migrant Workers at si OFW party-list Representative Ron Salo.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio makakatangap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱220,000 para sa burial assistance, livelihood assistance na nagkakahaga ng ₱15,000 at scholarship sa kanyang dalawang anak na naiwan. | ulat ni AJ Ignacio