Lady solon, pinasisigurong mapanagot ang mga sangkot sa pagkasawi ng criminology student dahil sa hazing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinokondena ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera ang pagkasawi ni Ahldryn Bravante dahil sa hazing.

“I deplore and condemn the hazing that killed Ahldryn Bravante of the Philippine College of Criminology. I offer my condolences to the family, friends and neighbors of Ahldryn Bravante.” Ani Herrera

Hindi naman nakalagpas sa puna ni Herrera na sangkot na naman sa hazing ang Tau Gamma Phi fraternity.

Diin nito, dapat ay isama ng Department of Justice (DOJ) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagtukoy sa pananagutan hindi lang ng liderato ng local chapter ng naturang fraternity, ngunit maging ng national chapter nito.

Punto ni Herrera, tila may ‘systemic evil’ na nananahan sa naturang organisasyon.

Nababahala rin ang kinatwan na kapwa mga estudyante ng Philippine College of Criminology ang sangkot sa hazing…mga estudyante na kalaunan aniya ay sasali sa ating pambansang pulisya.

“The hazing of Bravante involves other PCCr students. These are students who would have applied to join the Philippine National Police. That they are criminology students makes their crime horrendous and abhorrent.” dagdag ng kinatawan | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us