Lalaki, arestado dahil sa illegal gambling sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos arestuhin ng mga kawani ng Manila Police District (MPD) dahil sa kaso ng illegal gambling sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa operasyon na isinagawa ng Special Mayor’s Reaction Team (S.Ma.R.T) na pinangunahan ni PEMS Dedimo Alviar, arestado ang isang Reynaldo Santos, 54-taong gulang habang nangongolekta ng mga taya para sa EZ2-Lotteng, isang small town lottery game.

Nakumpiska kay Santos ang ilang gamit sa pagsusugal at pesos na pera mula sa mga taya.

Haharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang lalaking nasakote.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us