Sa gitna ng krisis na kinahaharap ng Israel dahil conflict na nararanasan sa Israel, nananawagan ang Latin Patriarch ng Jerusalem, si His Eminence Pierbattista Cardinal Pizzaballa, ng panalangin at sakripisyo para sa kapayapaan at pagkakasundo para sa Holy Land.
Kaya naman sa isang liham, inanyayahan ni Fr. Carmelo Arada Jr., Vice Chancellor ng Archdiocese of Manila, ng lahat ng mga parokya at relihiyosong komunidad na magkaroon ng isang araw ng pag-aayuno, pangingilin, at panalangin para sa kapayapaan at pagkakasundo ng mga grupong sangkot sa kaganapan sa Israel.
Hinihiling niya na sa pagdating ng araw ng Martes, Oktubre 17, lahat ay magkaroon ng isang araw ng pag-aayuno, pangingilin, at panalangin. Hinihikayat niya rin ang mga ito na mag-organisa ng mga oras ng panalangin at pagdarasal ng Rosaryo sa Mahal na Birheng Maria.
Hiningi rin nito sa mga parokya at komunidad ay magtipon para sa panalangin tulad ng Pagsamba sa Banal na Sakramento o Holy Hour at ang pagdarasal ng rosaryo pagsapit ng Oktubre 17 o anumang araw na napagpasyahan ng mga komunidad ng pananampalataya.| ulat ni EJ Lazaro