Humingi ng “regulatory relief” ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines bilang seeder-funder ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Hiling ng LBP at DBP na hindi sumunod sa capital ceiling na ipinataw ng BSP sa mga tuntunin ng bank investment na maaring makaapekto sa kanilang capital.
Ayon kay BSP Governmor Eli Remolona Jr., kahit na nag-inject ng pinagsamang P75 bilyon sa MIF, sumusunod para rin ang dalawang bangko sa kinakailangang kapital.
Paliwanag pa ng BSP chief, maaaring pagbigyan sila “temporarily” ng monetary fund pero sa pinagkasunduang panahon lamang.
Ang “forebearance” ay ipinagkakaloob ng BSP sa mga bangko para mabayaran ang mga loans o concession sa borrowers.
Ayon kay Remolona, dahil sa initial capital na ipinondo ng Landbank at DBP sa MIF, mababawasan ang kanilang equity na possibleng maglagay sa kanilang bilang non compliant sa capital requirement. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes